Tips for Lazy Students

1. Kapag 7:30 or earlier ang pasok mo every morning, maligo ka na sa gabi para toothbrush at hilamos ka nalang pag gising mo sa umaga (yung oras na ii-spend mo sa paliligo, itutulog mo nalang).

2. I-alarm ang phone ng multiple times. Kung 7:30 ang klase mo, i-alarm mo ng 4:30, 5:00, 5:15, 5:30, 6:00.

3. Kapag nasa school ka na, wag mong titigan at bilangin ang orasan dahil lalong tatagal yan.

4. Wag kanang kumopya ng notes sa board. Manghiram nalang sa kaklase at ipa-photocopy, saka mo idikit sa notebook mo. Voila! May notes ka na!

5. Kapag pumasok nang late, i-text ang kaibigan na nasa loob na ng classroom. Ipakuha ang bag mo, after 5 minutes saka ka pumasok para kunwari, galing ka lang sa CR.

6. Kaibiganin mo lahat ng matalino sa classroom. Bigyan mo ng foods, papel, ballpen mga ganun. Para kapag tinamad kang gumawa ng assignments, may instant assignment ka. Hindi sila makakatanggi dahil may utang na loob sila sayo.

7. Palaging sa likod uupo, nasa likod ang FREEDOM. Nasa likod ang BUHAY. IYKWIM.

8. Bumili na ng pagkain bago mag twelve at kumain nalang sa mga bakanteng classroom para maiwasan ang pila sa Canteen, pila sa mga fastfood, at pila sa elevator. Tandaan, 12 nag lalabasan ang mga epal. Wag sumabay!

9. Kapag nag review sa departmental exam na cover-to-cover, sa glossary nalang mag basa.

10. Iwanan nalang ang mga libro sa locker at picturan nalang ang mga pages na dapat reviewhin.

And lastly,

Kapag walang magawa sa buhay, mag advance study. Nang sa ganun, alam mo na lahat ng ituturo ng professor mo. Sisimpleng tulog ka nalang sa klase. Pak Ganern!

Professional Tamad
Juan
UST
2016

Comments